Nawawalan na ng pag-asa ang aking mga magulang noon na magkaroon ng anak na lalaki na magdadala ng kanilng mga pangalan. Tatlong babae na ang ibiniyaya sa kanila ng Diyos subalit isang lalaki pa ang sabi ang kanilang ina asam asam. Kaya napagdesisyunan na sumubok pa ng isa upang makabuo ng lalaki, malakas pa naman ang tuhod ni tatay at kayang kaya rin naman ni Inay...
kadiliman ng gabi noong kanila akong hinulma ng kanilang pag ibig at pananalig sa pag asa. Tuwang tuwa ang buong baryo noong nabalitan nilang nanganak na ang kanlang kapitana ng isang malusog na lalaki. Sa lahat ng pinakamasaya sa biyaya ay ang aking pamilya lalong lalo na ang aking ama na hindi naiwasang mapalundag sa tuwa noong nabalitaan niyang ipinagkaloob na ng langit ang ina asam asam nilang panalangin.
Aba, noong bininyagan ako ay dalawang baboy ang tinumba at labingwalong manok ang kinatay...o, si Congressman ay nakifiesta pa. Kaliwat kanan ang pagbati ng mga tao dahil sa wakas ay may lalaking anak na ang lahi na patuloy na magdadala ng pangalang Villa. Lahat sila ay umaasang sinlakas at sintatag ako ng aking ama, brusko at tigasing lalaki na kinatatakutan sa aming baryo. Bininyagan ako sa pangalang Isidro Villa Jr.
pinalaki ako ng mabuti ng aking mga magulang. Paborito aking anank sa lahat dahil nga ako ay bunso at tanging lalaki lamang. Binusog nila ako ng pag ibig, pinasoso ng gaboy at sinituron ng mga pangaral. Talaga ngang parang celebrity ang trato sa akin buong baryo sa akin noon dahil ng kapitanan ang aking Ina.
Ganunpaman ibang iba ako sa mga karaniwang bata. Nakahiligan ko talaga ang magmano noon sa kura paroko namin at maglaro sa mga imahen ng santos at santa noon. Kumpleto ang koleksyon ko ng mga iyon, mula kay san Gabriel, santa monica, santa teresa...just name it. Iwan ko ba, baka namamalikmata lko ang mga iyon na isang manika, barbie doll. Talagang punong-puno ng imahe ang aming bahay sa kadahilanang hindi ako mapakali kong hindi ko mabili ang matipuhan kong santo. Isang araw pa nga ay nais kong bilhin ang imahen ni San Miguel na ina apakan ang ulo ni Satanas ngunit pinagsabihan ako ng aking ama na mahal iyon kaya't Santo Nino na lamang ang aking bolhin ay hindi ko na napigil ang mura kong isipan na nagresulta sa pagbubuhos ng luha, nahiga ako sa sahig at nagwala kayat napagdesisyunan na lang ng aking ama na bilhin ang mahal na imahen, as in mahal na imahen. Kaya naman kung tatanungin ako ng mga tao noon kung ano ang gusto ko paglaki ay tinutugon ko na maging isang pari.
Noong maliit pa ako ay napakakulit 'kong bata, tanong nang tanong sa mga bagay na hindi ko lubos naiintindihan kaya marami ang nakukulitan sa akin. Kaya naman ang aming kapit-bahay na aling Lucia ay naglalambitin ng bag na may mukahang unggoy sa harap ng kanilang pintuan upang takutin ako at hindi na papasok para guluhin ang kanyang mga natutulog na kambal. At natakot nga namn ako, nanginginig ang aking mga laman. Takot ako na baka sipsipsin ang aking sariwang dugo ng laruan na ito o dili kaya'y kagatin ang aking leeg. Marahil yu'n na talaga ang kinatatakutan ko noong maliit pa ako.
Noong unang araw ko sa klase ay takot ako dahil unang pagkakataon ko ito na tumuntong sa mababang paaralan. Marami ring nakakatanda ang umaaligid sa akin. Noong lumaon na ay binuhos ko talaga ang lahat nga aking makakaya. Mula sa pagbabasa ng katagang “mota” hanggang sa pagsulat ng numero. Sa sayawan at kantahan ay lagi rin akong bida, sa mga panahonng yun ay napansin ni Bb. Zalvior na parang kakaiba ang galaw ng aking baywang at puwet kumpara sa ibang kaklase ko. Sa panahong iyon ay naramdaman ko na may kakaiba sa aking pagkatao. Ako ay litong-lito noon kung ano ba talaga ako. Bakit ganito ang pag-galaw ko? Bakit mas masaya akong kalaro ang mga babae at ang kanilang mga Barbie Doll kaysa naman maglaro ng baril- barilan sa mga kaklase kong lalaki maliban na lamng syiempre kay James.
Samantala, hindi namn naging hadlang ang aking pagkalito upang mabuting mag aaral. Sa tuwing pagtatapos ng taunang-klase ay consistent honor student ako at hakot ko rin ang lahat ng 'Best' na para bang pakiramdam ko ay mga sash na tinatahi sa aking damit. Sa tingin ko ay yun lamang ang pangbawi ko sa mga kakulangan ko sa aking pamilya. Nasa ikatlong baitang ako noong ako ay naging 1st honor muli sa aming klase. Natuon naman sa kaarawan ko ang aming recognition day. Binili ng lola ko ang aking mga sashes at ipinaghanda namn ako ng aking Tatay . Maraming bisita noon at talagang namang ipinagmamalaki ako ng aking pamilya. Abo't taenga ang ngiti ko, masayang masaya ako at marahil ang pinakamsaya ala-ala ng aking kabataan.
Sa likod ng masasayang mga ngiting iyon ay nagkukubli ang mga kabagutan ko. Nalulungkot ako sa tuwing maisip ko ang panunukso ng aking mapagmatang kalaro. 'agi', 'bakla', 'agila', 'jugel', 'bayot' at kung anu ano pa ang mga salitang paulit-ulit na aking naririnig.
Isang ritwal na nakakasakit ng damdamin at nagpapa alala na tayo ay nakatira sa isang maupit na mundo na kinakailangang harapin ng tibay ng ating damdamin. Masakit marinig ang mga salitang iyon hanggang sa napagod na ang aking damdamin at ako ay naging manhid na sa mga mapghusgang mata at bunganga.
Ikinasaya ko na lamang na tanggap ako ng aking pamilya na maging si Itay ay may matinding galit sa mga bakla. Ipinaramdam nila sa akin na akoa ay espesyal at hindi kakaiba. Hindi paghtakwil ang aking napala sa kanila bagkus ay ang pag unawa.
a
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment